Miyerkules, Marso 21, 2012

aking talambuhay



Ang Aking Talambuhay


Ako Si Kento P. Murayama. Taong 1992, ika 29 ng Hunyo noong ako’y isilang ng aking mahal na inang si Neriza S. Pasco na Kabikak ng aking amang si Chikashi Murayama na siyang nagbigay pangalan sa aking pagkatao.
Bata pa Lamang ako noong kami ay iwan ng aking ama, bumalik siya noon sa Japan dahil sabi ng iba, nag-away daw ang tatay at mama ko. Kayat sa murang gulang pa lamang ay nasaksihan ko ang maagang pagkawala ng aking mahal na ina. Isang sakit ang labis na nagpahirap at nagpahina sa kanya at unti-unti nitong pinatay ang katawan ng ina ko at hindi nagtagal ay hindi na rin nakayanan ng aking ina at siya ay sumuko na  rin.
Noong mga panahon na iyon ay wala kaming hawak na salapi kung kayat hindi namin nagawang dalhin sa ospital upang maipagamot ang aming ina. Kayat ang mga tito at tita ko na lamang ang sumagot sa pagpapalibing sa mama ko. Nagtulong-tulong sila upang maging maayos lamang ang libing ng mama ko.
Mga sampung taong gulang pa lamang ako noong mga panahon na iyon kung kayat wala pa akong kaalam alam sa mga nangyayari noon sapagkat hindi pa ako napasok noon dahil wala kaming sapat na salapi para tustusan ang pangangailangan ko sa paaralan. Medyo naiintindihan ko ang pangyayari noon pero hindi maliwanag sa akin.
Matapos ang libing ng mama ko ay kinupkop kami ng mga tito at tita ko na naging dahilan ng pagkakahiwalayhiwalay naming mga magkakapatid at naging dahilan din upang kai ay magkalayo-layo ng loob naming sa isa’t-isa. Yung isa kong bundong kapatid na babae ay sa Maynila nanirahan kasama ng tito at tita ko na siyang kumukop sa aking bunsong kapatid na babae.
Kaming tatlong magkakapatid na lalaki ang siyang na natiling magkakapisan sa tulong na tita ko. Ang tita ko na rin ang nagpaaral sa aming magkakapatid na naging mahirap para sa akin sapagkat noon pa lamang ako mag-aaral kung kayat hirap akong makisalimuha sa iba. Pero pinilit kong maging kagaya  ng ibang bata na normal na nabubuhay. Sa makatuwid hindi ako kagaya ng ibang bata na nabubuhay ng normal sapagkat sa paglaki ng isang bata ay mahalaga na nakakasama niya ang kanyang mga magulang.
Sa paglipas ng panahon ay lumipas na rin ang lungkot ko ku kayat masaya na akong nabubuhay kahit wala ang mga magulang ko dahil alam ko na nadyan pa naman ang tita ko para suportahan kami sa lahat ng bagay basta kaya n’ya.
Pero lumipas ang panahon ay natuto akong magluko na naging dahilan ng hindi ko pagpasok sa eskwelahan. Patigil-tigil ako sa pag-aaral dahil sa barkada. Marami akomg natutuhang kalokohan noong mga panahon na iyon. Halos dal’wang beses akong tumigil sa pag-aaral kung kayat nadala na sa akin ang tita ko na papasulkin pa ulit ako kayat noong magpumilit akong pumasok uli ay hindi na siya sumang ayon sa gusto kong mangyari kung kayat nag-aral akong mag-isa hanggang sa maipakita ko sa kanya na desido na akong mag-aral at makatapos.
Akala ko noon ay susuportahan niya ulit ako kapag inaayod ko ang pagpadok ko sa paaralan pero hindi pa rin pala. Hinayaan na lamang niya akong pag-aralin ang sarili ko na akala niya siguro ay madali para sa akin yun. Ang hindi niya alam ay napakalaking hamon yon para sa akin. Iyon na rin ang naging dahilan ko para  mas lalo ko pang pagbutihin ko pa ang pag-aaral ko hanggang sa makatapos ako ng elementarya sa mababang paaralan ng Fule Almeda.
Sa ngayon, kasalukuyan akong nag-aaral sa Col. Lauro D. Dizon National high school.noong una akong pumasok doon ay hindi ko inakala na mapapabilang ako sa science section. Sa umpisa hindi naging madali para sa akin na makisama sa kanila sapagkat masyadong  malayo ang edad ko sa kanila at ito rin ang naging dahilan para maging malayo ang loob ko sa kanila. Akala ko magiging madali ang lahat para sa akin hindi pala kabaligtaran pala nang iniisip ko ang kinahinatnan ko. Lalo pa noong naging president ako ng klase namin lalo na akong nahirapan noon sapagkat lalong dumami ang responsibilidad ko noon na napakhirap sa akin dahil hindi ko alam ang uunahin sapagkat noong mga pagkakataon na yon ay may trabaho ako na dapat kong gampanan  dahil ako na lamang ang sumosoporta sa sarili ko upang makapasok ako at matustusan ko ang mga pangangailangan ko sa paaralan. Siguro bi9noto nila ako noon dahil akala nila magiging magaling akong pinuno n gaming klase noon dahil siguro akala nila na marami na akong karanasan . ang hindi dila alam ay pa rin akong mga bagay na dapat natutuhan upang maging mas lalong matatag sa buhay.
Nang dahil sa trabaho ko ay lagi na lamang akong nahuhuli sa klase namin tuwing umaga. Na naging dahilan din upang patalsikin ako ng mga kaklase ko sa pagkakaupo ko sa pwesto bilang presedente ng klase naming. Pero ayos lamang sa akin yon kahit pinatalsik nila ako, tama naman sila. Dapat ang isang pinuno ay maging modelo ng kanyang nasasakupan.
Akala puro na lamang pagtatalo buong taon ng klase naming noong 1st year kani buti na lamang nagbago ang ihip ng hangin at nakasundo ko na rin sila sa  wakas. Siguro ako lamang ang problema kung bakit hindi ako mapalapit sa kanila. Dahil siguro ayaw kong aminin sa sarili ko kung sino ako na natatakot lamang akong ipakita sa kanila kung ano talaga ako. Buti na  lamang naipakita ko na rin sa kanila kung sino talaga ako na ikinatuwa ko naman  dahil natanggap nila ako at naging mas amdali na para sa akin na makisama sa kanila.
Bago matapos ang taon ng pasukan ay nalabasan muna kami ng sama ng loob sa isa’t-isa na naging dahilan upang maging maganda ang pakikitungo naming sa isa’t-isa. Naiwasan ang plastikan sa iba. Dahil sa pangyayaring yon, ang dati kong kagalit ay naging kasundo ko.
Natapos ang taon ng klase ay naging mabuti  ang pakikisama naming sa isa’t-isa. Buti na lamang nabgyari ang mga pangyayaring nagpaigting sa samahan naming 2 science. Kung kayat naghiwalay hiwalay kami ng walang sama ng loob sa  isa’t-isa.
Habang bakasyon ay nagtratrabaho ako upang makalikom ng salapi na gagamiton ko sa aking pag-aaral. Nagtrabaho sa poultry supply kahit alam kong napakahirap ng trabaho doon at hindi ko kakayanin ang ganong uri ng trabaho. Pero dahil sa mithiin kong makapasok sa paaralan ay tiniis ko kahit mahirap, hindi lamang mahirap kundi talagang sobrang napakahirap ng trabaho doon. Pakiramdam ko  para na akong nagpapakamatay sa trabaho kong iyon. Para lamang sa mithiin kong makapasok kaya kong gumawa ng mga bagay na hindi ko kayang gawin kahit alam ko sa sarili ko na hindi ako masyadong nagseseryoso sa pag-aaral ko ay ginagawa ko pa rin naman ang makakaya ko upang makatapos ako.
Ngayong second year na ako mas naging masmasaya sapagkat nagkaroon ako ng bagong kaklase na nagngangalang Alvin Fingo. Para sa akin isa siyang mabuting kaibigan dahil mapagbigay siya sa mga kaklase namin at lagi siyang maasahan sa lahat ng oras. meron din kaming bagong kaklase na dal’wang baba. Ok din sila. Matatalino rin sila at mababait na mag-aaral sapagkat pag-aaral muna ang kanilang inuuna kesa sa anumang mga bagay.
Nakita ko rin laging nand’yan ang mga kaklase ko para damayan ako. Nakakatuwa sila dahil hindi ko nakikita na mas matanda ako sa kanila dahil para sa kanila pantay-pantay lahat kami, walang mayaman,walang mahirap. Dahil sa kanila nakita ko na hidi hadlang ang kahirapan at pagiging oversge ng isang tao para makapag-aral. Nagpapasalamat ako dahil maring tao na nakakaunawa sa aking kalagayan.
Marami pa akong natutuhan sa mga kaklase ko. Mga aral na magagamit ko sa mga darating pang panahon at pagsubok sa buhay. Noong una akala ko sila ang makakapulot ng aral sa akin pero hindi pala. Hindi pala sapat na basehan ang pagiging matanda ng isang tao para masabi na maalam na siya sa buhay.
Dahil din sa kanila mas napaigting ko pa ang talent ko sa pagtugtog ng gitara. Upang mas magamit ko pa ang aking talento sa pagtugtog  ay sumali kami ng mga kaiskwela ko sa isang paligsahan sa pagtugtog. Sumali ako sa patimpalak na iyon ay hindi para magkapera at maging tanyag lamang kundi para mas maipakita ko sa sarili ko na kaya rin humarap sa maraming tao na buo ang loob at dahil gusto ko rin magkaroon ng experience sa maraming bagay hindi lamang sa pagtugtog o sa pagtratrabaho kundi na rin sa maraming aspeto ng buhay.
May pangarap din akong makapagtrabaho sa Japan. Sa bansa na maari kong Makita o matagpuan ang aking ama. Nang sa gayon ay makilala k na s’ya at kapag nakita ko na s’ya ikwekwento ko sa kany kung gaanong kahirap mabuhay ng walang ama at sa kasmaang palad ay iniwan din ng aking ina na s’yang naging ama at ina sa aming magkakapatid. Sana lamang, pagdating ng araw kami naman ang hinahanap niya at nagkakandarapang mahanap kami ng mga kapatid ko.
Ngayon ang tanging hangad ko lamang ay makatapos ng aking pag-aaral upang maisakatuparan ko ang aking mga pangarap sa buhay at nang sa gayon mas mabilis kong maabot ang aking mithiin sa buhay.